Lyrics
Nakaukit ang larawan sa aking isipan
Gandang 'di makalimutan ang iyong mukha
Yayakapin ka nang mahigpit
Hahagkan sa labi
Oh, sinta sadyang iniibig kita
Buhay ay biglang nagbago
Nang ika'y matagpuan ko
Ikaw ang pinapangarap at nagkatotoo
Aking mithi
Lumipas man ang mga taon
Pagsubok ay kayang tahakin
Aasahan mong mananatili
Pag-ibig ko sa iyo
Masilayan ang iyong ganda
Parang musikang umaawit
Ang tinig at ang himig mo
Hinahanap bawat saglit
Buhay ay biglang nagbago
Nang ika'y matagpuan ko
Ikaw ang pinapangarap at nagkatotoo
Aking mithi
Pangako na mamahalin kita
(Sa hirap man o ginhawa)
Pangako na 'di ka mag-iisa
(Sasamahan ka habang buhay)
Pangako na mamahalin kita
(Sa hirap man o ginhawa)
Pangako na 'di ka mag-iisa
Buhay ay biglang nagbago
Nang ika'y matagpuan ko
Ikaw ang pinapangarap at nagkatotoo
Buhay ay biglang nagbago
Nang ika'y matagpuan ko
Ikaw ang pinapangarap at nagkatotoo
Aking mithi
Can't get it out of your head? Play “Mithi” yourself.