Lyrics
Nandito na ako
Nasaan ka na
Naka handa ako
Basta't kasama ka
Malayo man ito
Pero kahit na
Alam kong parito
Tanda ko pa
Ang pinag-usapan natin
Sa lungkot man o tuwa
Mga ala-ala natin
Ay parang naka-sangla
Bawat butil ng buhangin
Agos na bumabangga
At pag-ihip ng haring hangin
Sa maamo mong mukha
Hanggang sa dulo
Dito sa dulo
Kahit sa'ng sulok
Kapag hiningi mo
Bibilangin ang lahat ng bituwin
Araw at buwan ay aking aabutin
Nasa'yo na kahit di pa hilingin
Ikaw at ako sa dulo ng kalawakan
Can't get it out of your head? Play “Sa Dulo” yourself.