Lyrics Timed, click a line to jump
Paiba-iba man ng gustong gawin
Kung saan-saan ka man nakatingin
Mahiyain man ang 'yong mga labi
Kahit na ako'y mainis
Ako'y magtampo
Susuyuin pa rin dahil
Walang iba akong nais makita (habangbuhay)
Walang ibang ngiti ang may bisa
Oh, sa'yo lang
Sa'yo lang
Sa'yo lang
Sa'yo lang, sa'yo lang
Sa'yo pa rin
Mahulog man ang mga dahon
Lumipas maraming taon
Magbago man ang lahat sa mundo
Mananatili ako sa'yo
Dumating man ang araw na ako'y iyong masaktan
Kung saan tayo nagsimula, aking babalikan
'di natin mapipigilan ang orasan
Susulitin bawat buwan
Gagawa ng paraan
Para ipagkasya ang habangbuhay sa katiting na mundo
Walang iba akong nais makasama (habangbuhay)
Walang ibang pangalan ang paborito kong banggitin
Oh-oohh, woah
Sa'yo lang
Sa'yo lang
Sa'yo lang, sa'yo lang
Sa'yo pa rin
Mahulog man ang mga dahon
Lumipas maraming taon
Magbago man ang lahat sa mundo
Mananatili ako
Sa bawat pag iba ng simoy ng hangin (Umaraw man o bumagyo)
Sa bawat anyo mong makikilala ko pa
(Kahit di na kita maintindihan)
Sa bawat linyang sasambitin
Masisilayan sa gilid ng 'yong mga mata
At sa mga dahong
Lalapit sa langit at hihimlay sa lupa
Mahaba o maikli man ang yugto
Malambing man o malupit ang hatid nito
Magbago man ang lahat sa mundo
Mananatili ako sa'yo
Can't get it out of your head? Play “dahon” yourself.