Lyrics
Hawak natin sa ating mga kamay
Ang pangako ng masaganang bukas
Linangin natin ang galing mong taglay
Pagyamanin ang sarili mong tagumpay
Bawat pagsibol may dalang hiwaga
Nagmumula sa atin ang pag-asa
Bawat isa ay mayroong halaga
Oras natin ngayon ito na ang panahon
Simula na ang panibagong umaga
Harapin natin ang bukas ng malaya
Huwag mong palipasin ang pagkakataon
Ihasik ang biyaya bunga ng kahapon
Simulan natin abutin ang pagbabago
Tahakin ang daan patungo sa tagumpay
Paglilingkod sa ating kapwa ating iaalay
Tayo na't magpatuloy sa'ting pagbabantay
Dahil ikaw at akong binhing nagbabanyuhay
Bawat pagsibol may dalang hiwaga
Nagmumula sa atin ang pag-asa
Bawat isa ay mayroong halaga
Oras natin ngayon ito na ang panahon
Simula na ang panibagong umaga
Harapin natin ang bukas ng malaya
Huwag mong palipasin ang pagkakataon
Ihasik ang biyaya bunga ng kahapon
Simulan natin abutin ang pagbabago
Sisimulan natin
Sisimulan na ngayon (simulan na ngayon)
Sisimulan natin
Sisimulan na ngayon (simulan na ngayon)
Sisimulan natin
Sisimulan na ngayon (simulan na ngayon)
Sisimulan natin
Sisimulan na ngayon
Simulan na ang panibagong umaga
Harapin natin ang bukas ng malaya
Huwag mong palipasin ang pagkakataon
Ihasik ang biyaya bunga ng kahapon
Simulan natin abutin ang pagbabago
Pagbabago