MyLyricsFinder

Itim

Talata

Lyrics

Rosas sa paligid nagsaya sa 'yong pagtitig Apaw sa galak mundo ko ay naging ligalig Bughaw noon ang langit at sapat lamang ang init Ngiting nakakasilaw di napigil mahumaling Sino bang di maniniwala? Pangakong kaytamis na pag-asang Habambuhay hindi na luluha Saksi ang buwan, araw, mga tala Rosas sa paligid ang mistulang sumisirit Pusong natinik, durog, sakdal puno ng galit Bughaw na blusang ginutay ng kamaong lubos higpit Humila ng sayang dati'y abot sa langit Sino ba ang maniniwala? Balat-kayong anghel pala sa lupa Habambuhay pasakit at dusa Nagtago ang buwan, araw, mga tala Ang langit ay nagdidilim Magwawakas na ang lagim Wala na 'kong iindahin Wala ka na sa paningin Ang langit ko'y nagdidilim Magwawakas na ang lagim Wala na 'kong iindahin Wala ka na sa paningin