Lyrics Timed, click a line to jump
Sumasayaw, sumisigaw,
tumatalon, lumilipad ang puso ko
'pag nakikita ka
Nagagalak, natutuwa,
ngumingiti, tumitibok ang puso ko
kapag kayakap ka
Kaya't sana naman ay huwag magtampo kaagad sa akin
Kaya't sana naman ay huwag magtampo kaagad
Gumaganda, sumasaya,
kumikislap, sumisigla ang buhay ko
kapag kapiling ka
Litong-lito, gulong-gulo,
sumasakit ang ulo ko
'pag inaaway mo ako
Kaya't sana naman ay huwag magtampo kaagad sa akin
Kaya't sana naman ay huwag magtampo kaagad
Sumasayaw, sumisigaw,
tumatalon, lumilipad ang puso ko
'pag nakikita ka
Nagagalak, natutuwa,
ngumingiti, tumitibok ang puso ko
kapag kayakap ka
Gumaganda, sumasaya,
kumikislap, sumisigla ang buhay ko
kapag kapiling ka
Gumaganda (gumaganda), sumasaya (sumasaya)
Kumikislap (kumikislap), sumisigla
Gumaganda (gumaganda), sumasaya (sumasaya)
Kumikislap (kumikislap), sumisigla