Lyrics
Rinig ang 'yong tawa, mga mata'y naluluha-luha pa
'Di titigil hanggang ang tiyan mo'y sumakit na
Simpleng banat ko
Lakas ng hampas mo sa braso ko
Tamis ng 'yong ngiti, lungkot ay napapawi (napapawi)
Sa bawat sandali, minsa'y 'di ko mawaring
Ang swerte-swerte ko
Sa lawak ng mundo'y pinagtagpo
Ako'y may aaminin nang ikaw ay dumating
Sa yugtong 'to, mas minahal pa ang sarili
No'ng sinambit mong, "Kailangan mo 'ko lagi"
Lahat ng mga tanong na bumubulabog sa aking isip
Yakap mo ang sumagip
Ikaw ang sukdulan
Ikaw ang hantungan
Ikaw ang, ikaw ang aking dahilan
Ikaw ang sagot kung ba't ko sinubukang
Lahat ay harapin
Minsan ay may takot din sa mga bumabagabag sa atin
Tiyak ang mga suliranin, ipaglalaban kong ikaw ay akin
Ito ang huling hiling, huwag masyado matulin ang panahon
Kulang ang daang taon
Pungay ng 'yong mata
Inaantok ka na
Himlay sa akin
Huwag mong pansinin
Ang orasan