MyLyricsFinder

pelikula

VXON

00:01.89 “Diyan na lang kayo, kasi taken na 'ko"”

Lyrics Timed, click a line to jump

Tapos, sabi ko, "Ops, ops, ops
Diyan na lang kayo, kasi taken na 'ko"
Taken kanino?
Sa 'yo
Sumuko na, nawalan ng pag-asa (pag-asa)
Nagsusulat na lang ng mga kanta (mga kanta)
Nagbago ang lahat no'ng nakilala ka (no'ng nakilala ka)
Biglang wala lahat ng pangangamba
No'ng unang nakita, alam ko na ako'y nabighani sa 'yong mata
Nagkatitigan nang sandali, bigla na lang na napangiti
Agad-agad na nagpakilala, nagkatanungan pa ng pangalan
Tandang-tanda bawat sandali, nahulog sa matamis mong ngiti
Para bang isang pelikula simula noon na nakilala ka
Tayong dalawa ang bida, gusto ko lang na mapasa'kin ka
Para bang isang pelikula, kuwento natin ay isang romantika
Tama nga ang mga hinala na napaibig mo 'ko nang bigla
Oh, ikaw lang, walang iba
Ikaw lang, wala nang ibang hahanapin pa
Oh, ikaw lang, walang iba
Ikaw lang, wala nang ibang hahanapin pa
Mukha mo'y umiilaw, napapikit ako
Agad chineck kung totoo ba 'to o panaginip na naman
Eh, kasi naman, napakaganda mong tignan
Pag ikaw ay napasa'kin, 'di ka papakawalan
Inaraw-araw sa Luneta, umaga o gabi
Sa Intramuros unang gala, 'di na baleng gabihin
Nilibot natin nang kalesa, para bang pelikula
Sa bawat oras na kasama ka, lungkot biglang nawawala
No'ng unang nakita, alam ko na ako'y nabighani sa 'yong mata
Nagkatitigan nang sandali, bigla na lang na napangiti
Agad-agad na nagpakilala, nagkatanungan pa ng pangalan (oh-whoa)
Tandang-tanda bawat sandali, nahulog sa matamis mong ngiti
Para bang isang pelikula simula noon na nakilala ka
Tayong dalawa ang bida, gusto ko lang na mapasa'kin ka
Para bang isang pelikula, kuwento natin ay isang romantika
Tama nga ang mga hinala (tamang hinala) na napaibig mo 'ko nang bigla
All I want is you (all I want is you), you
Please do want me too (please do want me too), mm
Puwede ba na habang-buhay ka makasama?
Hinding-hindi 'pagpapalit sa iba
Puwedeng huwag ka nang maghanap ng iba?
Kapag dito ka sa piling ko ay safe ka (oh, yeah)
Para bang isang pelikula simula noon na nakilala ka
Tayong dalawa ang bida (bida), gusto ko lang na mapasa'kin ka (mapasa'kin ka)
Para bang isang pelikula, kuwento natin ay isang romantika
Tama nga ang mga hinala na napaibig mo 'ko nang bigla (oh)
Oh, ikaw lang, walang iba
Ikaw lang, wala nang ibang hahanapin pa
Oh, ikaw lang, walang iba
Ikaw lang, wala nang ibang hahanapin pa
Oh-whoa, oh, oh-whoa, oh
Yeah, wala nang ibang hahanapin pa
Oh-whoa, oh, oh-whoa, oh
Ang kuwento natin ay nagsisimula pa lang

Can't get it out of your head? Play “pelikula” yourself.