Lyrics Timed, click a line to jump
Ngumiti ka na lang sa harap nila
Ipakita mong ika'y masaya
May nararamdaman ka ba?
Malungkot at naiiyak ka ba?
Nakasimangot na papunta
Sa sulok ng kuwarto mong madilim
Kasi wala namang nakikinig
Wala namang nagtatanong kung kumusta ka
Kasi akala nila ika'y nasa pelikula
Ngumiti ka na lang sa harap nila
Ipakita mong ika'y masaya
Sasabihan ka lang namang maarte ka
Iiyak mo na lang mag-isa
Pasensya na kung madrama
Pasensya na kung madrama
Masyado ba 'kong madrama?
Pasensya na kung madrama
Nagsasabi ka ba sa iba
Ng 'yong dinadala na problema?
Kinukumpara ka pa
Magpasalamat ka na lang daw
Dahil maliit lang daw ang rason ng 'yong lungkot
At rason ng 'yong paglulugmok at hinanakit
'Wag ka nang makulit na humingi ng malasakit
Ngumiti ka na lang sa harap nila
Ipakita mong ika'y masaya
Sasabihan ka lang namang maarte ka
Iiyak mo na lang mag-isa
Pasensya na kung madrama
Pasensya na kung madrama
Masyado ba 'kong madrama?
Pasensya na kung madrama
(Oh, 3, 2, 1, action)
('Yan, 'yan, dapat maawa kami sa 'yo)
(Oo, dapat mapaniwala mo kaming totoo)
(Sige, sige patingin)
(Cut, cut, cut, cut)
(Kulang pa eh)
(Patingin ako ng ano, patingin ako ng may luha)
(Sige, yan ha, may luha ha sige)
(3, 2, 1, action)
('Yan, 'yan, 'yan, 'yan, 'yan, 'yan)
(Damihan mo pa yung luha, damihan mo pa, 'yan)
(Mismo! Mismo! Cut!)
(Galing mo umarte)
(Alam mo 'kala namin talaga 'di ka okay eh)
Ngumiti ka na lang sa harap nila
Ipakita mo na malakas ka
Mahirap na sa mundong mapanghusga
Aabusuhin ka lang kapag nakita ka na mahina